Insurgents bombed another gov't installation here, its a tough job pero wala kami magagawa, dito kami kumikita ng malaki para sa pamilya namin sa pinas.
The Americans added another security squad to my detachment, it seems that we are now the fave targets of the insurgents.
Kinakabahan din kami kahit marami kaming bantay, but we have a job here to do. If coalition forces are here for the development or the transition to a western democracy type of gov't kami naman ay nandito para tulungan ang mga tao na maitaguyod ang kanilang infrastructure at buhay.
Marami na ang sinira ng naunang gobyerno at ng gyera, marami din ang magandang naidulot, ngayon puwede na matuto sa mga paaralan ang mga babae di tulad dati, ngayon halos malaya na ang lahat na magsabi ng saloobin at gumawa ng paraan para mabuhay ng nasa ayos.
We are now heading to a location not far from Kabul, i hope the friendlies cleared the road for ied's...
Sometimes we have to go off-road and switch routes always to keep the insurgents guessing our next move. We know that there are many observers giving our location. Di alam ng pinas na may isang grupo ng pinoy na na-ambush at napatay, marami rin sa kanilang military escort ang nagbuwis ng buhay para sa kanila. Balita ko binayaran nila ang mga naiwang pamilya para hindi nila sabihin sa ating gobyerno..
Ngayon, nag-issue na ang mga kano ng sidearms para sa aming proteksyon, minsan may mahaba din kaming dala, depende sa lugar. Nakasanayan ko na ito, natatakot lang na paano kung i am in a situation that i have to use it in order for me and my comrades to live, kumitil ng buhay para may mabuhay...
Lahat kami dito ay may ginagampanang mahalagang tungkulin hindi lamang para sa pera kundi para sa mga tao, its a way of saying.. we are here to help you so that you can prosper and have the chance to help others as well..
its already my 400th day here in Afghanistan.100days na lang para i get to be rotated back to the states and back to the Philippines para magbakasyon. Tinatanong ng mga kaibigan ko kung action junkie ba ako, di ko sinasagot, anong alam nila sa sitwasyon ko samantalang nasa isang cubicle sila sa down town at pagbaba nila may starbucks cafe.
Ako po si Juan dela Cruz
Civilian Contractor for the Development of Afghanistan Water District
(ako po yung nasa gitna)
oh s*^} i wish i was with u out there... 400 days in afghan is sick! - JLP
ReplyDeletebut the pay is good hahaha
ReplyDeletewhoever made the comments i just deleted... hopefully you are eating good right now hahaha
ReplyDelete